DAGUPAN CITY- Nilalapit ngayon ng COMELEC Dagupan ang voter registration sa pintuan mismo ng mga tahanan ng Persons with Disabilities (PWDs) at iba pang vulnerable sectors sa lungsod.

Layunin nito na masigurong kahit ang may kapansanan, tulad ng mga wheelchair users, stroke victims, o mga differently abled na indibidwal, ay makapagparehistro nang hindi nahihirapan.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento ng COMELEC Dagupan, ang home service registration ay isinasagawa sa pamamagitan ng coordination sa barangay o pamilya ng registrant.

--Ads--

Kabilang sa proseso ang simpleng verfication, pagkuha ng litrato, at biometrics, na karaniwang natatapos sa loob lamang ng 2-3 minuto bawat aplikante.

Simula Oktubre hanggang Disyembre, mahigit 500 na umano ang prinoseso sa pamamagitan ng home service registration. Bukod dito, nagpaptuloy din ang satellite registration sa mga pribado at piling public schools para sa kabataan at bagong registrants.

Maaari ring mag-update ng litrato, mag-reactivate, o maglipat ng voting residence ang sinumang eligible, bast amay valid ID na may nakalagay na address sa Dagupan.

Binigyang-diin ng COMELEC na ang programang ito ay bahagi ng kanilang paninindigan na walang PWD o may kahirapan sa mobilidad ang maaiwan sa darating na Barangay, Sangguniang Kabataan, at Natioal elections.

Ang tanggapan ng COMELEC Dagupan ay bukas mula Lunes hanggang Sabado para sa registration, at hinihikayat ang mga residente na samantalahin ang home service at sattelite registration.