Nabakunahan na ng covid 19 vaccine si Dagupan City mayor Brian Lim.

Ayon kay mayor Lim, ikinokonsidera sila ay maikokonsiderang mga emergency Frontliners kaya sila ang kabilang sa priority list.

Ito ay pagpapakita na rin sa lahat, lalo na sa mga Dagupeno na kailangang suportahan ang programa ng pamahalaan na magpabakuna upang magkaroon ng karagdagang proteksyon para maiwasang magkasakit dahil sa COVID.

--Ads--

Ayon pa sa alkalde ang ginawa niyang pagpapabakuna ay upang ipakita sa lahat na walang dapat ikatakot at para maalis ang agam-agam ng mga mamamayan sa bakunang ito.

Sa kanyang karanasan ay wala umanong siyang naramdaman matapos magpabakuna.

Hinikayat nito ang taumbayan na iwasan ang pagbabasa ng mga maling impormasyon n a kumakalat sa social media o fake news.

Dagupan City mayor Brian Lim

Katunayan ang mga bansang marami ng nabakunahan ay sila ang mas mabilis na nakalabas sa pandemya.

Matatandaan na kabilang sa mga kilalang personalidad na naturokan ng covid19 vaccines ay sina Councilor Manang Celia Lim, dating 5 time speaker Joe De Venecia, asawa nito na si dating congresswoman Manay Gina De Venecia kasama ang kanilang anak na si Pangasinan Fourth District Congressman Christopher De Venecia.