Nakalabas na sa hospital si Dagupan City mayor Marc Brian Lim, matapos magpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang linggo at ipagpapatuloy ang recovery sa kaniyang sariling tahanan.

Kinumpirma ito mismo ni Mayor Lim at pinayuhan naman siya na kaniyang doctor na kinakailangan pa nyang magpahinga ng isang linggo at binigyan pa ng mga karagdagang gamot para sa tuluyang paggaling sa naturang sakit.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa lahat ng taong nagpaabot ng kani-kanilang mensahe at sa mga medical staff na tumulong sa kaniyang pagpapagaling.

--Ads--

Muli naman siyang nagpaalala sa kaniyang mga kababayan na patuloy paring sundin ang health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, balik trabaho na ang alkalde sa kaniyang work-from-home setup.

Sinabi nito na patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa city mayor’s office para sa mga problemang kailangan niyang maaksyunan agad.

Matatandaang nagpasya ang alkalde na magpa-admit sa hospital noong May 25, 2021 matapos siyang makaramdam ng mild pneumonia at dapat ng magamot bago pa lumala, agaran siyang nilapatan ng lunas at naging maganda naman ang epekto ng mga gamot nito ayon sa kaniyang mga doctor.