Balik trabaho na si Dagupan City Mayor Marc Brian Lim matapos nito magpositibo sa covid 19 noong mga nakalipas na Linggo.

Kahapon ay dumalo na sa flag raising ceremony ang alkalde.

Tiwala naman si Lim na mawawakasan ang pandemya kung makikipagtulungan ang mga tao.

--Ads--

Ayon kay Lim,dapat ipagpatuloy ang pagpapatupad at pagsunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot lagi ng face mask, face shield, social distancing at iwasang gumala o lumabas kung wala namang importanteng pupuntahan.
Iginiit din ni Lim ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa covid 19.

Ipinagmalaki nito nasa 4.7 percent ang fully vaccinated na sa lungsod na mas naka-angat aniya sa national average.

Giit niya na tuloy tuloy aniya ang vaccination program ng city government.

Kahit bakunado na ay huwag pa ring magpakampante at ipagpatuloy pa rin ibayong pag iingat.