Lubos ang pasasalamat ng nagbabalik alkalde ng lungsod ng Dagupan na si Belen Fernandez sa suporta at tiwalang ibinigay sa kaniya para ito ay manalo sa naging halalan 2022.
Ayon kay Dagupan City Mayor-Elect fernandez na hindi aniya inaasahan ang naging landslide victory nito laban sa katunggaling si incumbent Mayor Brian Lim.
Aniya na bagaman ilang mga sinirang campaign paraphernalias at mga black propaganda ang naisagawa laban sa kanila ay nanaig pa rin aniya ang boto ng mga sumusuporta sa Team BELEN BK.
Matatandang Si Fernandez ay nakakuha ng 67,499 na boto laban sa 53,042 na boto ni Lim.
Panalo din ang katandem nitong si Bryan Kua na magsisilbi bilang bise alkalde.
Dagdag pa ni Fernandez na makakaasa aniya ang mga mamamayan ng naturang lungsod na sila ay magseserbisyo para sa kaunlaran ng bayan at mabilis rin aniyang tutugunan ang lahat ng mga problema.
Sa kasalukuyan ay prayoridad ng kanilang administrasyon ang pagbabalik ng financial discipline ng lungsod at tututukan din ang edukasyon sa lahat ng mga kabataan na isa aniyang mahalagang salik para sa kaunlaran.
Tiniyak naman nito na magiging transparent ang kaniyang administrasyon sa lahat ng mag aktibidad na kanilang gagawin.
Hinikayat din nito ang publiko sa kanilang pakikiisa para buong puso nilang magampanan ang serbisyo sa kaniila