Dinaluhan nina Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang Barangay Assembly sa Poblacion Oeste upang pakinggan ang mga alalahanin na nangangailangan ng agarang aksyon sa nasabing barangay.
Ipinabatid ng alkalde sa mga residente ng Poblacion Oeste ang tungkol sa Operation Sitio na layuning magbigay solusyon sa pagbaha.
Kasama sa pagdalo ang ilang mga opisyales sa naturang lugar kung saan tinalakay ay mga proyektong nagkakahalaga ng 64 milyong piso, kasama ang AIP, mga nakabinbing supplemental budget, at ang 2025 Annual budget ng lungsod.
Sa pagtitipong ito, nagbigay ng ulat si SK Chairperson Princess Alliah Macaraeg tungkol sa kanyang 500,000 pisong budget proposal gayundin ang mga nagawa ng SK council. Kabilang dito ang mga proyekto na nakatuon sa pagpapabuti ng kabataan sa barangay.
Binanggit din ng mga konsehal ang iba pang mga programa na nakaplano para sa komunidad upang mas mapaunlad ang kanilang kalagayan.
Layunin ng proyekto na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente.