Naniniwala si Maria Luisa Elduayan, ang Provincial Tourism Officer ng lalawigan na hindi lamang ang iba’t ibang bayan ng Pangasinan ang dinarayo ng mga turista ngunit pati na ang lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Elduayan, bagama’t karamihan sa mga turista ay mas pinipili ang ‘adventurous’ o ‘exciting’ na bakasyon at pasyalan, hindi pa rin aniya nawawala ang hilig sa kainan.

Nangunguna naman umano dito ang Dagupan sa ‘top places’ na pinupuntahan ng mga turista pati na dayuhan, lalo na’t kilala at patok umano ang lungsod sa mga promo nitong ‘eat all you can’.

--Ads--

Aniya, hindi lamang ito maituturing na simpleng mga restaurants na pweding makainan dahil ang lahat ng mga ito na pawang dinarayo ng publiko ay isa rin sa kanilang tinitignan bilang ‘tourism in Pangasinan’. with reports from Bombo Lyme Perez