Dagupan City – Abalang-abala ang lungsod sa paghahanda para sa Bangus Festival, isa sa pinakamalalaking kultural na selebrasyon sa lungsod, tampok ang Gilon-Gilon Street Dancing Competition at Bangusan Street Party.

‎Ilang araw bago ang aktwal na mga aktibidad, sabay-sabay na kumikilos ang iba’t ibang opisina at volunteer groups upang matiyak na magiging maayos, ligtas, at organisado ang daloy ng mga programa. Kabilang sa mga nakatalaga sa seguridad at crowd management ang PNP, BFP, POSO, at CDRRMC, habang naka-standby din ang PANDA volunteers para sa first aid at assistance.

Binibigyang pansin rin ang kalinisan sa buong lungsod, sa tulong ng Anti-Littering Task Force at GSO. Samantala, ang Engineering Office at Tourism Office ay tumutok naman sa pagsasaayos ng mga venue at dekorasyon, habang ang CIO at CHO ay tumutulong sa pagbibigay ng impormasyon at serbisyong pangkalusugan sa mga dadalo.

Inaasahan ang malaking bilang ng mga tao mula sa loob at labas ng lungsod, kaya’t bawat galaw at detalye ng preparasyon ay maingat na pinag-uusapan ng mga sangkot na ahensya.