BOMBO DAGUPAN – Inaprubahan na ang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Calabarzon region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, inaasahang ilalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Region 4A ang bagong wage order ngayong Setyembre.
Ang huling wage hike sa Calabarzon ay inilabas noong September 2023, na nagkakaloob sa mga manggagawa ng P35 hanggang P50 umento sa kanilang daily minimum wage.
Ang ibang regional wage boards ay nasa proseso ng pagrerepaso sa minimum wage rates sa kani-kanilang lugar o magsisimulang gawin ito sa mga susunod na buwan.
Sinabi ng kalihim na ito ay alinsunod sa direktiba ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa Labor Day celebration noong nakaraang Mayo.