DAGUPAN CITY- Normal man na araw sa Japan ang paggunita ng Pilipinas ng Semana Santa o Holy Week ay patuloy pa rin ang mga Pilipinong naroon para isagawa ang nakasanayang kultura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, daan-daang mga Pilipino ang nagtipon-tipon bago ang pagsapit ng Holy Week upang paghandaan ito kung saan kasalukyang isinasagawa na ito sa Holy Doors of the Archdiocese sa Tokyo.

Ang nasabing simbahan ay kilalang pilgrimage ng mga Pilipino sa Japan.

--Ads--

Aniya, ito ang muling pagkakataon na nagsagawa ng pagtitipon ang maraming Pilipino para sa ganitong aktibidad matapos ang mahabang panahon na kaniyang pamamalagi sa nasabing bansa.

Gayunpaman, karamihan naman sa mga simbahang katoliko sa Japan ang magsasagawa ng Easter Service bilang selebrasyon sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Bukas ang mga ito para sa mga Pilipino kung saan nagkakaroon ng service para sa lengguaweng ingles at tagalog.

Samantala, ibinahagi rin ni Galvez na karamihan man sa Japan ay Shinto at Buddhism ang relihiyon, bukas pa rin ang nasabing bansa sa mga aktibidad ng Katoliko.

Kabilang na rito ang tatlong beses nang paglahok ni Galvez para sa kanilang pagselebra ng Holy Week.

Nagbibigay edukasyon rin siya sa mga mag-aaral ng kaalaman hinggil sa nasabing kaganapan.

Mayroon din aniya pastora na Pilipina sa Tokyo na gumagamit ng library para sa mga Pilipino.