Tutulongan ng Department of Agriculture (DA) ang mga local tomato farmers na apektado ng pagbaba ng presyo.

Ayon kay Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, may anim na farmer groups sa bansa ang nakakuha ng market linkages sa pamamagitan ng DA, habang ang iba ay humingi ng tulong mula sa DA regional offices.

Ayon sa DA, ang wholesale price ng kamatis ay bumaba sa P13/kilo, habang ang retail price ay naglalaro sa P25/kilo hanggang P60/kilo

--Ads--

Hinikayat niya ang tomato producers na makipag-ugnayan sa ahensya para sa market linkages upang masiguro ang makatuwirang presyo.

Matatandaan na napaulat na may mga natatapon nang kamatis na bagong ani dahil hindi naibebenta sa gitna ng pagbagsak ng presyo nito na umaabot na lamang sa P4 hanggang P6 kada kilo ang farmgate price partikular sa Bongabon, Nueva Ecija.