Hinamon ng Edinburgh Zoo sa United Kingdom ang pambato ng Thailand Zoo na si Moo Deng, ang kamakailang nagviral na mini hippopotamus, laban sa kanilang newborn pygmy hippo na si Haggis sa isang cuteness contest.
Anila sa kanilang social media post. “Moo Deng?Who Deng?” nang ipinakilala nila ang kanilang pambato.
May pagkakapareho ang dalawang cute na hippo kabilang na ang kanilang witty na pangalan na nagmula sa pagkain.
Si Haggis ay ipinangalanan sa national dish ng Scotland na gawa sa tiyan ng tupa at hinaluan ng maanghang at hiniwa-hiwang lamang loob. Habang si Moo deng naman ay ipinangalan sa isang klase ng meatball sa Thailand na nangangahulugang “bouncy pork”.
Magkaiba man sila ng specie subalit parehong endangered na ang mga ito.
Plano naman ng Thai zoon na gawan ng copyright at trademark ang pangalan ni Moo Deng at gawan din ito ng merchandise.
Ang Royal Zoological Society of Scotland naman ay may balak magpa-contest at ang magwawagi ay mabibigyan ng pagkakataon na ma-meet si Hagis at ang kaniyang hippo parents na sina Gloria at Otto.
Gayunpaman, matapos ang paghahamon ng naturang zoo, humingi rin sila ng paunmanhin sa Thailand Zoo dahil sa paghamon at anila, mas mabuting ipagdiwang nalang ang pagkabuhay ng dalawang cutie hippos.