DAGUPAN CITY– Inihahanda ngayon ang siyudad ng Dagupan na magkaroon ng covid shelter para sa mga asymptomatic cases kung saan magiging step down facility ang city astrodome na paglalagyan naman ng mga nag-aantay ng completion ng quarantine period kapag nagnegatibo na sa swab test.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, covid19 focal person ng IATF Dagupan, dumarami ang kaso ng covid19 kaya ang R1MC ay hindi na mag-aadmit ng asymptomatic covid19 cases .

Ayon pa kay Dr. Rivera, ang naturang pasilidad ay dadaan pa sa accreditation para maging covid19 shelter bago ipapacertify sa DOH na kasalukuyang for assessment na.

--Ads--

Mayroon na din aniyang identified facility bagamat piniling hindi muna ilahad ang lokasyon. Umaasa naman si Rivera na kapag nabigyan na ng certification, ito na ang magiging covid asymptomatic shelter.

Dr. Ophelia Rivera, Covid19 focal person – IATF Dagupan

Samantala, tuloy pa rin ang PCR testing at rapid testing na ginagawa ng lokal na pamahalaan at sa borders kung saan sinusuri ang mga dumarating para masigurong properly documented.

Dr. Ophelia Rivera, Covid19 focal person – IATF Dagupan

Sa ngayon, target ng ginagawang covid19 testing sa Dagupan ang mga OFWs, close contacts, LSI at tourists mula sa ibang lugar upang makasiguro na wala silang dalang virus.