Mga kabombo! May mga kakilala ba kayong content creator na mahilig gumawa ng prank?

Nako! Baka need nitong imake sure na ang content niya ay hindi “below the belt” at nakakaperwisyo!

Paano ba naman kasi, isang French TikToker na nagngangalang Amine Mojito ang nahatulan ng anim na buwang pagkakakulong matapos mag-prank ng mga tao sa Paris sa pamamagitan ng pagkukunwaring iniiniksyunan niya ang mga ito gamit ang syringe o hiringgilya.

--Ads--

Ayon sa ulat, nagdulot ito nang malalim na takot sa publiko sa pana­hong mataas ang pangamba sa ganitong uri ng pag-atake.

Kinopya lamang daw ni Mojito ang prank mula sa ibang bansa para sa promotional purposes at itinanggi ang intensyong manakit.

Gayunman, ipinakita ng mga tagausig na ang ilan sa kanyang mga biktima ay na-trauma nang husto, at kinailangan pang maospital para sa mental health assessments, na naglarawan sa kanilang karanasan bilang “bangungot.”

Sa kabila ng clemency plea ng abogado ni Mojito, itinuring ng Hukom na nag-ambag ang kanyang mga aksyon sa pagkalat ng takot.

Nahatulan siya ng 12 buwan na pagkakakulong, kung saan anim na buwan ang aktuwal na pagkaka­bilanggo, at ang natitira ay suspended sentence.