Ibinunyag ng content creator na si Kween Yasmin na siya ay nagdadalang-tao.
Sa isang interview, inilahad ni Kween Yasmin na kamakailan lamang nangyari ang mga isyung may kinalaman sa kumalat na “fake news” tungkol sa kanya, na tumagal ng halos dalawang linggo.
Dahil dito ay aminado ang content creator na hindi niya agad naibahagi ang kanyang pagbubuntis sa social media, dahil nais muna niyang maglaan ng panahon para sa kanyang trabaho at personal na buhay bago ito ipaalam sa publiko.
--Ads--
Kinumpirma rin niya na siya ay buntis at inaasahan na niyang maibahagi sa tamang panahon ang tungkol sa kanyang magiging anak kasama ang kanyang asawa.










