Dagupan City – agpapatuloy na ipinapatupad ang Community Feeding Program sa mga barangay sa San Carlos City bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga residente, lalo na ng mga bata sa komunidad.
Pinangungunahan ng City Nutrition Office ang pagsasagawa ng programa kung saan namamahagi ng masustansyang pagkain sa mga benepisyaryo upang makatulong sa pag-iwas sa malnutrisyon at mapalakas ang pangangatawan ng mga kabataan.
Layunin ng Community Feeding Program na matiyak na may sapat na nutrisyon ang mga batang kabilang sa mga pamilyang nangangailangan, kasabay ng pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wastong pagkain at pangangalaga sa kalusugan.
Isinasagawa ang programa sa tulong at patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan na nagsusulong ng iba’t ibang programang pangkalusugan para sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mapapalakas ang kampanya laban sa malnutrisyon at mas mapapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan sa komunidad.
Community feeding program sa San Carlos city target na maibahagi sa lahat ng barangay sa lungsod.










