Dagupan City – Naging maayos ang isinigawang Immunization Program ng paaralang elementarya ng Brgy. Lasip, sa bayan ng Calasiao, para sa mga estudyante ng nasabing lugar.
Layunin ng programang ito na protektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang uri ng sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bakuna.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jennifer Caacbay ang Midwife Nurse ng nasabing barangay, sa ngayon ay nagsasagawa ng panibagong Community-Based immunization upang mamabunahan an mga hindi pa nabigyan.
Ibinahagi ang nasabing mga bakuna upang maiwasan ang mga sakit tulad ng bacollus calmette-guerim (BCG), diptheria, tetanus, pertussis (DTP), measles, mumps, rebulla (MMR), polio at hepatitis B.
Namigay na rin sila ng doxycycline ang DOH sa lugar upang maka iwas sa leptospirosis. (Luz Casipit)