Dagupan City – Tiniyak ng Commission on Election o Comelec na maraming pagbabagong magaganap sa filing of candidacy sa 2025 election.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, isa sa kanilang nakatakdang isagawa ay makapag-withdraw with substitution o tinatawag nilang No Substitution Policy”.
Kung saan kapag ang kandidato ay nagfile na at nagbago umano ang isip subalit lumagpas ng October 8, hindi na maaaring baguhin o mapalitan ito, nangangahulugang na siya talaga ang lalaban sa nasabing posisyon na kanyang tinatakbuhang posisyon.
Ngunit kung ang kadahilanan naman ay pagkasawi, pagka-disqualify o permanently incapacitated ng nakapagfile sa posisyong tatakbuhan sa gobyerno ay posible itong palitan o isubstitute .
Dagdag pa ang pagtutok sa mga kandidatong tatakbo dahil natuto na sila sa nangyari sa Bamban, Tarlac na pagtakbo ng isang Chinese Citizen na si Alice Leal Guo bilang alkalde.
Kaugnay dito, sinabi ni Garcia na nagproposed na rin sila sa Comelec En Banc na lahat ng mga Certificates of Candidacy ng kandidatong tatakbo sa buong Pilipinas ay ipopost o ilalagay ang pangalan sa Comelec Website para malaman ng mga Pilipino kung sino ang tumatakbo, ano ang kanilang background, pinanggalingan, kung totoo bang Filipino Citizen, at kung totoo bang doon mismo sila nakatira sa lugar na kanilang tinatakbuhan.
Sa kabilang banda, Ipinaliwanag naman nito na hindi sila maaring magdagdag ng mga requirements sa mga magfafile ng Certificates of Candidacy dahil sinasabi ng Korte Suprema na ang trabaho lamang ng Comelec ay tagatanggap ng mga COC at wala silang kapangyarihang magreject o tanggihan ang mga magfafile nito kaya ibig sabihin lahat ay kanilang tinatanggap basta pasok sa nakasaad na mga requirements nila.
Samantala, binigyang linaw ni Garcia na hindi pa ituturing na kandidato ang mga indibidwal pagkatapos ng filing ng candidacy dahil sabi aniya ng Korte Suprema sa kaso ng Peñera vs. Comelec na kikilalanin lamang silang mga kandidato sa unang araw ng campaign period, ibig sabihin 90 araw bago mag-eleksyon sa National at 45 araw bago mag-eleksyon sa lokal.