Dagupan City – Nakalagay na sa Code Blue Alert ang lahat ng ospital at health facility sa Rehiyon Uno simula pa kahapob.
Bahagi ito ng paghahanda sa posibleng pagtama ng inaasahang Super Typhoon Uwan na mananalasa sa Rehiyon.
May posibilidad kasi na malaki ang magiging epekto ng bagyo sa Ilocos Region kaya kailangan itong paghandaan lalo na sa usaping medical ng mga residente.
Sa ilalim nito, Magkakaroon dagdag na deploymen ng mga health personnel sa mga evacuation center.
Inihahanda na din ang mga gamot, medical supplies, at response teams at naka-activate na ang DOH Operations Center para sa mabilisang pagtugon.
Pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa Ilocos CHD OpCen Hotlines: 0995 865 3945 (Smart) o 0908 873 8451 (Globe) para sa anumang emergency medikal.
Tiniyak ng DOH ang kanilang buong suporta at kahandaan upang protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng lahat sa panahon ng bagyo.










