Ibinahagi sa mga Day Care Centers o Child Development Centers sa syudad ng San Carlos ang proyektong nagbibigay ng suporta sa mga batang mag-aaral.

Ang nasabing proyekto ay mula sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) at ng City Library.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng tulong ang mga guro at mag-aaral partikular na sa Day Care Centers o Child Development Centers.

--Ads--

Katuwang din ang City Social Walfare and Development Office, naipamigay sa mga batang mag-aaral ang 8,385 Reading Materials at 75 libro rin para naman sa mga guro, habang 75 Child Development Center naman ang nakinabang sa proyektong ito.

Makakatulong naman ito para sa mas epektibong pag-aaral ng mga bata na makakabuti para sa kanilang karagdagang kaalaman.