Nahaharap ngayon ang Germany sa isang haman ng early election sa susunod na taon matapos matalo si Chancellor Olaf Scholz sa isang confidence vote.

Ang kanyang gobyerno ay bumagsak noong Nobyembre dahil sa hidwaan sa budget, at ang koalisyon ng kanyang pamahalaan.

Tinalo si Scholz sa vote na may 394 na boto laban sa kanya, 207 pabor, at 116 ang nag-abstain.

--Ads--

Ayon kay Scholz, ang pagkatalo ay hakbang patungo sa isang maagang pambansang halalan na itinakda sa Pebrero 23 ng susunod na taon.

Dahil sa sistema ng proportional representation ng Germany, karaniwang nabubuo ang gobyerno sa pamamagitan ng koalisyon, at kadalasan ang pamahalaan ay pinangunahan ng CDU/CSU o SPD.

Samantala, naghahanda na ang German sa susunod na linggo para sa bagong gobyerno.