Maingay ngayon sa social media ang katakut-takot na pambabatikos kay Ms. Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi mula sa mga netizens dahil sa tweet niyang “WHAT JUST HAPPENED#muph2024” pagkatapos mismo nang tanghalin bilang Ms. Universe Philippines 2024 si Chelsea Manalo.
Ayon sa nitizens,halata diumano na pinapaboran ni Celeste si Ms. Taguig Christi McGarry kung ang pagbabasehan daw ay ang tweet ng beauty queen kay Christi.
Gayong malinaw naman anila na ang perfect din ang sagot nito sa question and answer.
Dahil dito, agad ding nagpost si Celeste na wala siyang ibang ibig pakahulugan sa naging tweets, kundi- buo ang suporta niya sa kung sinuman ang nanalo.
Paliwanag ni Celeste, hindi pa niya personal na nakikilala si Chelsea na nakalipad na papuntang Los Angeles kasama ang grupo nito para sa preparasyon sa Miss Universe 2024 na gaganapin sq Mexico sa November 17.
At nilinaw nitong positibo naman ang beauty queen/entrepreneur na malaki ang tsansa na masungkit ni Chelsea ang korona bilang Ms. Universe 2024.
Aniya, bilang naging biktima na rin ng bashing, pinili ni Celeste na wag magbasa ng mga negatibong komento ng mga netizens sa kanya.