Dumagsa ang mga turista nitong eastern sunday sa mga pook pasyalan sa lungsod ng Alaminos.
Kaya naman nakaantabay ang bawat response cluster gaya na lamang CDRRMC Response Cluster kasama abg iba’t ibang departamento at ahensya sa syudad para sa pagpapanatili ng seguridad at gayundi upang matiyak ang ligtas at maayos na lugar para sa mga bisita.
Patuloy din sa isinasagawang pagpapaalala ng mga otoridad sa lahat ng mga nagtutungo sa baybayin sa pamamagitang ng pag-iikot at pagpapakalat ng impormasyon para sa mga alituntunin na kanilang ipinapatupad.
--Ads--
Isa rin sa mahigpit na paalala ng mga otoridad ang stay hydrated at pag-iingat at gawing makabuluhan ang bakasyon at paggunita ng Semana Santa.