Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pag-follow ni Catriona Gray at Vico Sotto sa isa’t isa.
Ngunit nang tanungin si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa pagpa-follow-an nila sa Instagram ni Pasig City Mayor Vico Sotto ay hindi maitatangging hindi nito napigilan ang matawa.
Matatandaan na noong June 4, 2025 nang unang mapansin ng netizens ang pag-follow back ng dalawa sa isa’t isa.
Dahil dito, maraming fans ang kinilig sa anila’y posibleng “loveteam” ng dalawa na tinawag nilang “ViCat” — mula sa pinagsamang unang syllable ng mga pangalan nina Vico at Catriona.
Marami rin ang nagkomento at nagsabing “bagay” ang dalawa at hindi kataka-taka kung sakaling magkatuluyan dahil pareho naman daw silang single.
Ito’y matapos na maghiwalay si Catriona sa dati niyang fiancè na si Sam Milby. Habang si Vico naman ay may iilang nali-link sa kanya ngunit walang kumpirmasyon kung nakatuluyan niya ang isa sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng ‘happy ship’ ng mga netizens, nilinaw ng beauty queen, na nag-follow lang sila ni Vico sa isa’t isa pero hindi raw sila magka-DM (direct message).