Mga kabombo! Isa rin ba kayo sa mga kinakati na agad kapag narinig ang caterpillar?
Paano na lamang kung malaman mong kinakain pala ito? Susubukan mo nga bang kakainin ito?
Tila ito kasi ang isa sa pangunahing sangkap ng isang restaurant sa ibang bansa.
Paano ba naman kasi, nakasanayan na rin na ito ang hinahanap sa Central Highlands ng Vietnam na ang pangunahing sangkap sa kanilang local cuisine ay cassia caterpillar.
Ayon sa ulat, ang mga caterpillar ay buhay na ikinukulong sa isang lalagyan sa loob ng apat hanggang anim na oras upang maalis ang laman ng kanilang tiyan. Pagkatapos ay hinuhugasan at binabanlawan ng kumukulong tubig.
Pagkatapos ng proseso ay ginigisa na rin ito sa mantika, bawang, sibuyas, at asin. Dinadagdagan ito ng hiniwang dahon ng dayap bilang seasoning. Bagama’t may mga naghahain nito nang inihaw, mas karaniwan ang paggisa.
Nagkakahalaga naman ito ng P460 hanggang P580 kada kilo, at mas mataas sa ibang rehiyon na pumapalo sa P805 hanggang P920, na kapantay ng presyo ng ilang uri ng seafood.
Gayunman, may naiulat na ilang tao ang nagkakaroon ng allergic reaction matapos kumain nito, gaya ng pangangati ng balat. Sa kabila nito, patuloy pa rin itong tinatangkilik bilang bahagi ng lokal na kultura sa naturang rehiyon.