BOMBO DAGUPAN – Patuloy na nagbubunyi ang Filipino community sa Paris, France sa pagkakasungkit ni Carlos Yulo ng gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Leo Brisenio, bombo international News Correspondent sa Paris, France, excited na rin ang mga kababayan natin sa susunod na laban ni Yulo.

Muling sasabak sa isa pang laban si Yulo at sakaling manalo sa Vault final ay magkakaroon siya ng double medal award.

--Ads--

Forte umano ni Yulo ang vaults at floor exercise kaya inaasahan na muli itong manalo.

Hindi umano madali sa Pinoy gymnast dahil top seed ang kanyang mga kalaban.

Naniniwala si Brisenio na ang nagpanalo kay Yulo ay ang performance sa kanyang pag ikot at paglapag.