Pinawi ng Capas PNP ang pangamba ng publiko hinggil sa pag-quarantine ngayon sa 30 repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Wuhan, China sa Athlete’s Village sa New Clark City sa bayan ng Capas, Tarlac.

       Mariing pinabulaanan ni Police Lt/Col Augusto Pasamonte, Chief of Police ng bayan, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, ang mga lumalabas na maling balita o ‘fake news’ na may nagpositibo sa mga ito.

       Binigyang diin ng hepe na walang katotohanan ang mga ito at sa katunayan ay normal naman ang kondisyon ng mga OFW ng sila ay dalhin sa quarantine site. Giit pa ni Pasamonte, dumaan muna ang mga ito sa masinsin na medical check up na isinagawa ng isang team mula sa Department of Health (DOH).

--Ads--

       Samantala, nabatid ayon pa kay Pasamonte, nasa pitong kilometro ang layo ng quarantine site sa bayan at walang ring ipinapatupad na rerouting scheme dahil sa insidente sa kabila ng pangamba ng ilan.        Sa ngayon aniya ay nananatiling normal lamang ang ginagawang pagbabantay o perimeter security ng PNP sa naturang lugar kayat wala ding sinuman sa kanilang hanay ang kinakailangang i-quarantine. (with reports from Bombo Cherryl Ann Cabrera)

Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt/Col Augusto Pasamonte, Chief of Police ng Capas PNP