Dagupan City – Nagkaloob ng tulong pinansyal ang City Government of Makati sa Municipality of Sta. Barbara, Pangasinan na nagkakahalaga ng P250,000 upang isagawa ang apat na araw na Water Search and Rescue training para sa mga rescuer ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, sa pangunguna ng Pangasinan Provincial DRRMO.
Layunin ng Water Search and Rescue (WASAR) training na mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang bawat miyembro ng rescue team upang maging mas epektibo sa pagtugon sa mga kalamidad at sakuna, partikular sa mga insidenteng may kaugnayan sa tubig.
Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang tamang swimming techniques, wastong rubber boat operation, water safety procedures, at iba pang rescue courses na mahalaga sa aktuwal na operasyon.
Sumailalim din ang mga kalahok sa hands-on exercises upang mas mapaigting ang kanilang kakayahan sa search and rescue operations.
Isinagawa ang training bilang paghahanda lalo na at madalas bahain ang Calasiao tuwing may malalakas na pag-ulan at bagyo.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas ang kakayahan ng mga rescuer na makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng agarang responde sa oras ng pangangailangan.










