Dagupan City – Mga kabombo! Normal na sa ating mga Pilipino na kapag namayapa ang isa sa mga mahal natin sa buhay ay ipinapamigay ang mga kagamitan sa pamilya o kamag-anak.

Ngunit kakaiba ang nangyari sa nasawing misis sa isang social media post na isang corporate lawyer at mediator.

Ayon sa post, dahil kasi sa trabaho nito, nagawa niyang mag-invest sa magagandang damit na puro branded.

--Ads--

Hanggang sa na-diagnosed umano ito sa ovarian cancer at tuluyang nasawi. Dahil dito, nais sana ng kapatid ng kaniyang asawa na si Sara na humingi ng damit sa kaniyang namayapang hipag, ngunit tutol dito ang kaniyang kuya.

Himutok nito, ang kanyang kapatid na si Sarah ay hindi man lang bumisita sa panahong nakikipaglaban ang kanyang misis sa cancer. At tinawag pa niya itong “selfish cow.”

Lumalabas din na habang nakakaburol pa ang kanyang misis, nauna nang sinabi ni Sara na nais nitong makahingi ng damit para maging ala-ala niya sa kaniyang ate. Ngunit hindi ito pinansin dahil nasa kondisyon pa siya ng pagdadalamhati.

Matapos naman ang anim na buwan, nang dumalo ang mister sa birthday ng kaniyang ina. Doon niya muling nakita si Sara at muling inungkat nito ang paghingi ng damit. Ngunit hindi pa rin pumayag ang mister at sinabing ang gustong mangyari ng kaniyang misis ay ibigay bilang donasyon sa isang women’s shelter ang mga naiwan nitong damit.

Hindi naman umano nagustuhan ni Sarah ang sinabi ni ng kaniyang kuya at inakusahan din nito ang namayapang misis na “selfish.”