Gaganap bilang isang protagonist sa isang live action TV series si “20th Century Girl” star Byeon Wook Seok.
Bibigyan buhay ni Wook Seok si Sung Jin Woo, ang bida sa isang kilalang web novel turned webtoon na ‘Solo Leveling’.
Ang nasabing serye ay kalaunan nagkaroon din ng anime at video game adaptation.
Ipinangako naman isang streaming platform na magsasagawa ng live action adaptation na ibibigay nila ang magandang experience para sa kanilang manonood.
Ang proyektong ito ay co-directed naman nina Lee Hae Jun at Kim Byung Seo, habang ang Kakao Entertainment at Sanai Pictures ang naka-set to produce.
Ang kwento ng Solo Leveling ay tumatakbo sa buhay ni Jin Woo na nagsimula bilang isang E-rank hunter bago maging pag-asa ng mundo laban sa mga banta ng misteryosong mga Gates.
Si Byeon Woo Seok naman ay kilala sa “Lovely Runner”, “Strong Girl Namsoon”, at “Record of Youth”.