DAGUPAN CITY- Hindi umano dahil sa mainit na panahon kaya idineklarang Fire Prevention Month ang buwan ng Marso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay FInsp. Andell Combate, Municipal Fire Marshal ng BFP Lingayen, ito ay alinsunod sa Presidential Decree 115 na siyang pinirmahan ni former Pres. Cory Aquino.

Aniya, bilang pagsunod, magkakaroon sila ng Kick-Off Ceremony sa March 4 na gaganapin sa bayan ng Calasiao.

--Ads--

Sisimulan nila ito sa “simultaneous sounding of horn” o pagsirena ng kanilang mga truck.

May mga nakalatag na rin silang aktibidad tulad ng feeding program, mangrove planting, at sa huling buwan ng Marso ay magkakaroon naman ng Open House at Basketball tournament para sa mga kabataan.

Gayunpaman, bago ang kanilang pagpapalaro ay magsasagawa muna sila ng safety drill.

Samantala, nagpaalala si Combate na walang pinipiling biktima ang insidenteng sunog at maging vigilant.

Kaya mabuting hindi iniiwanan na nakasaksak ang ilang mga kagamitan lalo na sa charging station. Iwasan din ang pag-octopus ng mga saksakan.

Dapat naman magkaroon ng maayos na pagtapon sa mga materyal na madaling mapag-mulan ng sunog.

Tiyakin rin na malayo sa mga bata ang mga maaaring pagmulan ng sunog.