BOMBO DAGUPAN- Kumpirmadong sinibak na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco dahil umano sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Nauna nang ibinunyag ni Justice Secretary Jose Crispin Remulla na kaniyang inirekomenda kay Pangulong Marcos ang pagpapatalsik kay Tansingco.

Sinabi din ni Remulla na hindi rin siya nasisiyahan sa performance ni Tansingco.

--Ads--

At matapos ang pagkaalis ni Guo sa bansa, tuluyan na silang nawalan ng tiwala sa kaniya.

Nabanggit pa niya na naitaas na niya dati kay Tansingco na nai-issue sa fake corporations ang mga working visa upang magdala ng illegal gambling workers subalit wala umanong ginawang aksyon ang Bureau of Immigration chief.

At sa ngayon, hindi pa sinasabi kung sino ang papalit sa pwesto ni Tansingco.