Buong pwersa ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pangsinan sa pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay FSSUPT. Jerline Jerden Sales, Provincial Fire Marshall ng nasabing ahensya, 100% ang deployment ng BFP sa 48 munisipalidad at syudad sa buong lalawigan upang matiyak ang kanilang mabilis na pagresponde kung magkaroon man ng hindi inaasahang insidente.

Aniya, nagsagawa naman sila ng mga random check sa mga malalaking syudad sa probinsya upang tiyakin na walang illegal na paputok ang ibinenta.

--Ads--

Dagdag pa niya, nakitaan nila ng pagdagsa ng mga publiko sa pagbili ng mga paputok sa syudad ng Urdaneta kung saan halos maubos ang mga panindang paputok.