Isang kakaiba pero nakakatuwang “sport” ang taon-taong binabalik-balikan sa Nantwich, Cheshire, England — ang World Worm Charming Championships!

Sa susunod na summer, kung naghahanap ka ng bago at mabalahibong adventure… baka worm charming na ang para sa ’yo!

Sa ika-46 na edisyon kasi ng paligsahan, nagtipon ang mga kalahok upang subukang mahikayat palabas ng lupa ang pinakamaraming bulate — gamit lang ang vibrations!

--Ads--

Bawal ang hukay at tubig, kaya’t todo effort ang mga “worm charmers” sa pagtugtog ng harmonica, pagpatugtog ng heavy metal, pagyapak sa lupa, at ang klasikong “twanging,” kung saan ginagamitan ng garden fork ang lupa para manginig ito — kunwari’y umuulan!

Ayon sa co-founder at tinaguriang “Chief Wormer of Great Britain,” si Forster, “Nakamamangha at medyo nakapaninindig-balahibo… pero lumalabas talaga sila!”

Itinatag ang quirky competition noong early ‘80s nina Forster, Gordon Farr, at guro na si John Bailey.

Sa paglipas ng panahon, lumawak ito — dinarayo na ngayon ng mga turista, media crew, at maging ng mga American radio hosts.

At sino ang may hawak ng world record? Isang batang babae! Noong 2009, si Sophie Smith, 9-anyos pa lang noon, ay nakahuli ng 567 bulate sa loob ng 30 minuto!