Dagupan City – Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nananatiling manageable ang total external debt ng Pilipinas sa kabila ng bahagyang pagtaas noong buwan ng Hunyo.

Batay sa inilabas na datos ng BSP, ang total external debt ng bansa ay umabot sa USD130.18 billion hanggang huling araw ng hunyo, tumaas ng 1.2 percent mula USD128.69 billion na naitala noong Marso 2024.

Ayon sa BSP ang iba pang key external debt indicators ng bansa ay nanatili sa comfortable levels, kung saan ang gross international reserves (GIR) ay nasa $105.19 billion hangang sa huling araw naman ng hunyo.

--Ads--