DAGUPAN CITY–Huli ang isang barangay kagawad mula sa bayan ng Pozorrubio sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. San Felipe Sur, sa bayan ng Binalonan.

Ayon kay PMaj. Aurelio Manantan, hepe ng Binalonan PS, kinilala ang suspek na si Francisco Baoanan Jr., 46-anyos na barangay kagawad sa Brgy. Villegas, Pozorrubio sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kasama ang PDEA Region 1.

Batay sa imbestigasyon ay dati na rin itong drug surrenderer.

--Ads--

Nakumpiska sa naturang suspek ang limang (5) piraso ng transparent plastic sachets ng hinihinalang marijuana na may bigat na halos 6.78 grams, kasama ang SDP value na nagkakahalaga ng higit P800; pati na rin ang tatlong (3) pirasong bala ng calibre .45; P1,000 na boodle money at P100 na marked money.

Nahaharap ang nabanggit na Brgy. kagawad sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.