Isang mala eksena sa pelikula ang naranasan ng isang football star matapos itong makatanggap ng nagkakahalaga ng mahigit $1.14 billion o humigit-kumulang P64.6 billion mula sa taong hindi niya mismo kakilala?

Ayon sa ulat, kinilala ang Brazilian football superstar na si Neymar Jr. matapos siyang pangalanan bilang nag-iisang tagapagmana ng isang bilyonaryo na hindi pa niya nakikilala.

Ang nagbigay ay hindi pinangalanang bilyonaryo na walang tagapagmana kaya’t pinili niya ang football star na makakuha ng kanyang buong yaman na siyang inilagay sa kaniyang last will and testament.

--Ads--

Sa nasabing ­dokumento, ipinaliwanag ng bilyonaryo na pinili niya si Neymar dahil sa personal niyang paghanga sa atleta, kahit na hindi pa sila nagkikita.

Partikular niyang hinangaan ang malapit na relasyon ni Neymar sa kanyang ama, na nagpapaalala umano sa kanyang relasyon sa kanyang yumaong ama.

Hindi pa nagbibigay ng komento si Neymar tungkol sa sitwasyon. Bagama’t mayroon na siyang net worth na tinatayang aabot sa $300 million, ang hindi inaasahang mana na ito ay lalo pang magpapalaki sa kanyang yaman.

Ang mana ay binubuo ng iba’t ibang ari-arian, kabilang ang mga ­property, investment, at shares sa ilang kumpanya.