BOMBO DAGUPAN – Arestado ang isang bookkeeper sa lungsod ng Alaminos matapos mapag-alaman na peke at falsified ang mga dokumento na kaniyang ibinigay sa kaniyang kliyente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Fabienne Matib Agent in Charge, NBI Alaminos City District Office na mayroong isang bookkeeper na nag-aapply ng registration ng kaniyang kliyente sa BIR na may dalang falsified documents.

Kung saan nais ng kaniyang kliyente na iconvert ang kaniyang negosyo na maging sole proprietorship subalit matagal na hindi nailakad ng bookkeeper.

--Ads--

Kaugnay nito ay naghire ng bagong bookkeeper si taxpayer at noong binigay ang mga dokumento sa bago nitong bookkeeper ay dito napag-alaman na peke ang mga ito at falsified.

Ayon sa BIR na hindi totoo ang mga iyon kaya’t agad silang tumawag sa Revenue District Office (RDO) na kanilang tanggapan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman na ang mga authentication at authorization letter na ginamit ng lumang bookkeeper ay hindi totoong pirma ni taxpayer at wala itong authority.

Lumalabas din na hindi lang si taxpayer ang naging kliyente nito subalit maging ang kapatid niya ay falsified din ang mga dokumento at papeles na ibinigay ng bookkeeper.

Sa kabuuan ay humigit-kumulang kalahating milyon ang nakulimbat ng bookkeeper sa biktima at kung susumahin lahat ay maaaring umabot sa milyon ang lahat ng kaniyang mga nakuha dahil pagbabahagi nito ay marami siyang naging kliyente mula sa lungsod ng Dagupan at bayan ng Calasiao.

Sa kasalukuyan ay nakadetene na ito sa NBI Alaminos at may apat na kasong kinakaharap patungkol sa falsification of public documents.

Panawagan naman ni Atty. Matib na maging maingat sa pagtitiwala sa mga bookeeper at mainam na iverify kung totoong nababayaran ang tax gayundin ang pagverify sa BIR upang makasiguro.