Dagupan City – Ang mga makinang ginagamit sa isang pabrika ng potato chips sa Hong Kong ay hindi maproseso ang naturang patatas at agad na nadiskubre ng mga mangagawa kung bakit: sa hindi inaasahang pagkakataon, isang granadang pang-digmaan na mula pa sa world war 1 ang nakapasok sa pabrika.
Ang tinatayang nasa isang siglo na bomba ay kinakalawang na at natatakpan ng makapal na putik, ngunit ang mga laman nito ay nananatiling kayang magdulot ng mapanganib na pagsabog.
Tinatayang nasa 2.2-pound ang bigat ng nasabing bomba, mas mabigat umano ng halos limang kilo kumpara sa ordinaryong patatas. Ang bomba ay natagpuan kasama ng mga inaning patatas sa France at ipinadala sa Calbee Four Seas Company sa Hong Kong kasama ng iba pang mga gulay.
Ayon kay Superintendent Wong Ho-hon, ang naturang bomba ay hindi sumabog noong World War 1 ngunit kinakailangan pa rin ang maigting na pag-iingat at minabuting pasabugin sa bakanteng eskinita para maiwasan ang posibleng panganib na maidudulot nito.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente matapos isagawa ang pagpapasabog ng mga pulisya sa itinuturing na century old hand grenade.