Dagupan City – Naglabas ng anunsiyo ang lokal na pamahalaan ng Pozorrubio matapos makatanggap ng bomb threat sa Palguyod National High School at Benigno V. Aldana National High School.
Ayon sa LGU, natanggap ng ilang guro ang impormasyon tungkol sa umano’y bomb threat kahapon Enero 30 2026.
Bilang pag-iingat, agad na sinuspinde ni Mayor Kelvin T. Chan at ng mga pamunuan ng eskwelahan ang klase sa dalawang paaralan.
--Ads--
Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-EOD/K9 Group at PNP Pozorrubio, napatunayang walang katotohanan ang naturang bomb threat.
Nagpaalala ang LGU na hindi biro ang bomb threat at maaaring makulong ng 5 taon ang sinumang mapatutunayang nagkakalat ng maling impormasyon alinsunod sa Presidential Decree No. 1727.










