Isang “Black Monday” ang isinagawa sa lungsod ng Dagupan kung saan nagsuot ng itim na damit ang ilan mga job order employees na natanggal sa kanilang mga trabaho at nagsama sama sa City Plaza upang ipakita ang kanilang pakikisimpatya at pagkondena sa anila’y hindi makatarungang pagbawas sa pondo na nagresulta sa pagkakatanggal sa kanilang mga trabaho.


Ayon kay Danila Claveria-Cayabyan na isang miyembro ng Dagupan City Solo Parents Association na maituturing aniyang “traumatic” ang nangyari sa kanilang mga job order employees na ginagawa lang naman ang kanilang mga trabaho.

Pagsasaad pa nito na tila walang ipinapakitang suporta ang gobyerno sa kanilang mga mamamayan na kung tutuusin ay unti-unti pa lamang bumabangon mula sa naging pananalasa ng pandemya.

--Ads--

Dagdag pa nito tila ang mismong mga lider pa ng gobyerno ang nagiging dahilan para sila ay patuloy na dumanas ng hirap.

Pagsasaad pa nito na kung magpapatuloy ang naturang sitwasyon ay asahan aniya na ang mga Dagupenos ay mawawalan ng respeto sa kanilang mga namumuno sa gobyerno.

TINIG NI DANILA CLAVERIA-CAYABYAN

Papaano na lamang din aniya ang mga incoming scholars na umaasa sa tulong pinansyal ng gobyerno para sa kanilang edukasyon gayundin sa pagsuporta ng mga daan daang empleyadong natanggal sa kung papaano na nila masusuportahan ang kanilang pamilya.