Dagupan City – Nakatakdang magbayad ng higit 7 Milyong Piso na halaga si Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sammy” Rosario.

Ayon sa complainant na si Leon Castro, ito ay alinsunod sa ibinabang kautusan ng Commission on Audit (COA) kay Municipal Mayor Pedro A. Merrera III na pagbayarin sa munisipyo ang bise alkalde kasama sina dating Officer In Charge ng Municipal Engineer na si Leo Fernandez, at ang Citron Builders and Supplies.

Ayon kayt Castro, bunsod ito ng kanilang ginawang “disallowances’ na P4 Milyong at higit P3 Milyon kung kaya’t may kabuuang halaga itong higit P7 Milyon.

--Ads--

Pagpapaliwanag pa nito, nai-sapinal ang hatol kay Rosario matapos mabusisi ng COA na bagama’t nasingil na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kontrata sa pagpapatayo ng 3-storey school building sa Binmaley Central School, ay muli aniya itong isiningil sa pondo ng munisipyo at ibinayad sa Citron Builders and Supplies para sa parehong proyekto sa ilalim ng pamumuno ni Rosario noong panahong siya pa ang alkalde.

Nauna naman nang nilinaw ni Castro kasama sina dating Mayor Lorenzo Cerezo, dating Councilor Douglas delos Angeles at Julian “Jojo” Javier na walang anumang bahid ng pulitika ang ginagawang aksyon kay Rosario bagkus ay layunin nitong maibalik ang pera ng bayan dahil malaki-laki at marami na rin itong maitutulong sa mga residente.