Labis labis na naghihinagpis ngayon ang pamilya ng 18 anyos na kaga-graduate lang sa senior highschool matapos malunod sa San Fabian beach, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Arnold Hugo, 18 anyos at kagagraduate ng senior high school.

Nangyari ang insidente isang araw matapos niyang magtapos sa senior high school.

--Ads--

Kasama ang mga kaibigan nagpunta sila sa beach upang magdiwang sa kanilang pagtatapos.

Pilit na isinalba pa si Hugo sa pamamagitan ng CPR ngunit namatay din.
Muntikan na ring malunod sa dagat ang kasintahan nito nang piliting maisalba ang biktima.

Tinatayang nasa limang libong katao ang nagtutungo sa San Fabian beach kada araw kaya full allert ang mga kawaning MDRRMO, Philippine Coastguard at Maritime police sa pagbabantay sa lugar.