Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos maaksidente habang lulan ng kanilang motorsiklo sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Brgy. San Juan kung saan kinilala ang driver na si Mark Angelo Magleo, 18 anyos isang grade 10 student at isang John Michael Galicia, 16 anyos, isa ring Grade 10 student at residente naman mula sa Brgy. Lucban.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na aksidenteng mabangga ni Magleo ang isang kahoy na poste ng kuryente na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng kalsada.

--Ads--

Matapos ang aksidente ay agad na naitakbo sa pagamutan ang dalawa partikular na sa may Virgen Milagrosa Medical Center para malapatan ng paunang lunas subalit nasawi ang driver na si Magleo habang sumasailalim sa gamutan.

Samantala ang kanyang backride ay patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.