DAGUPAN CITY- Iniulat ng Pangasinan Police Provincial Office na mayroon na silang tinatayang 17 na bilang ng mga naitatalang shooting incident dito sa lalawigan mula nang magsimula ang election period noong Enero 12.
Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian ang Provincial Director ng nasabing opisina na stable at manageable pa naman ang sitwasyon dahil kaya pa namang tugunan ng kapulisan ang ganitonh mga insidente upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.
Aniya na sa bilang na ito ay hindi pa nakikitaan ng pagkakaroon ng election related incident kahit pa may lumulutang na usapin ngunit may mga lumalabas pang ibang mga motibo.
Saad nito na halos nasa 80% na dito ang kanilang naresolba at nacleared sa pamamagitan ng pag-identify sa suspek, pagpataw ng kaso at pagkakaaresto.
Samantala, ipinaliwanag naman nito ang 2 kasong naitala sa lalawigan ngayong buwan na nangyari sa lungsod ng Urdaneta at bayan ng San Quintin ay nagpapatuloy sa kanilang pagkuha ng impormasyon tungkol sa motibo habang may mga nakikita na silang persons of interest sa kaso.