Tinatayang nasa 90-95 porsyento ng mga mag-aaral ang pumasok sa pagsisimula ng klase kahapon dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Linda Ventinilla, chief ng school government and operation ng DEPED Dagupan, ito ay base sa kanilang monitoring sa ibat ibang paaralan sa lungsod.

Samantala, kinumpirma ni Ventinilla na tumaas ngayon ang bilang ng mga enrolles.

--Ads--

Bawat taon aniya ay may dumadagdag lalo na sa senior highschool at sa kindergarten.

Gayunman, tiniyak naman niya na tama lang ang ratio sa mga classroom.

Sinisiguro umanong hindi susobra sa 50 ang bilang ng mga estudyante sa bawat silid aralan upang maiwasan na magsiksikan ang mga bata at maging komportable sa klase.

Kung magkaroon man aniya ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa isang silid aralan ay ginagawan nila ng paraan.