Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla ang mga pagsubok na kanyang nararanasan sa kanyang weight-loss journey dahil sa polycystic ovary syndrome (PCOS) at hypothyroidism.

Sa kanyang social media post, naging tapat siya tungkol sa hirap ng kanyang pinagdaraanan.

Dagdag pa niya, hindi laging epektibo ang mga karaniwang fitness routine para sa lahat, lalo na sa mga may iniindang medikal na kondisyon.

--Ads--

Bagamat isang malaking hamon para sa kanya ang fitness journey, nananatili si Bela na determinado at bukas sa paghanap ng mga solusyon na naaangkop sa kanyang katawan.