Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Mapandan,Pangasinan sa pangungun ng alkalde ng bayan na si Mayor Karl Christian F. Vega sa ginanap na Mapandan Civil Society Organization (CSO) Meeting and Election of Officers kamakailan bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng partisipasyon ng mga mamamayan sa pamamahala ng bayan.
Layunin ng pagpupulong na palawakin ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga civil society group upang mapalakas ang kooperasyon at maisulong ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga residente.
Sa naturang pagtitipon, isinagawa ang eleksiyon para sa mga bagong opisyal ng organisasyon na magsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at adhikain para sa kaunlaran ng nasabing bayan.
Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikilahok ng bawat sektor sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at transparency sa mga proseso ng pamahalaan.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mapandan ang aktibong papel ng mga civil society organization bilang mahalagang bahagi sa paghubog ng mga polisiya at programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.










