Itinaas bilang hall of fame ang bayan ng Alcala matapos muling parangalan ng Department of Interior and Local Government ng Seal of Good Local Governance.
Bunga ito ng kanilang patuloy na pagkamit ng nasabing parangal dahil isa itong patunay ng dedikasyon at kahusayan sa pamamahala ng lokal na pamahalaan sa bayan
Nahirang ito bilang isa sa dalawang munisipalidad sa Region 1 na tumanggap ng prestihiyosong parangal sa loob ng walong magkakasunod na taon.
Pangunahing kinikilala sa tagumpay na ito si Mayor Jojo B. Callejo, na ang patuloy na pagsisikap na magbigay ng mahusay na serbisyo sa mamamayan, kasama ang buong suporta ng mga department heads at empleyado, lalo na si Municipal Local Government Operations Officer Rosalie T. Orbon-Tamondong, ang nagdala sa bayan sa isang antas ng tagumpay at kahusayan.
Nagsisilbi ang parangal bilang inspirasyon sa ibang mga lokal na pamahalaan na magpursige sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko.
Patunay ito na sa pamamagitan ng kooperasyon, dedikasyon, at mahusay na pamamahala, posible ang pag-unlad at pagkilala.