Kritikal ang lagay ng isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng retiradong pulis sa bayan ng Malasiqui dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Jose Despogado, 61 anyos at kasalukuyang kagawad ng barangay Pacuan sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek at saka siya pinagbabaril.

--Ads--

Napag-alaman na dati nang may alitan ang biktima at suspek na nag ugat sa pulitika.

Samantala, agad namang nahuli ng pulisya ang suspek pero hindi na narekober ang caliber 45 na baril na ginamit sa kremin.